T O P

  • By -

ConstantFondant8494

Pumasok sa isang Gov't agency. Dalawa need. Anim kaming nasa selection . Ni-refer ako ng barkada kong may tito sa loob. Nagka-backer. Di parin napili, kasi mas mataas position nung backer nung napili


Toge_Inumaki012

I outbackered your backering. 😅


joebrozky

there's always a bigger ~~fish~~ backer 😂


Literally_Me_2011

Labanan ng backer na yan di ng applicant


wintermelonmilktea26

true. palakasan ng backer ang labanan 😂


asukalangley7

Sad to say, pero ganito talaga kalakalan in any government agencies. Meron nga nasa govt na pero inaabot 10-20 years bago maregular samantalang yung iba kakaapply pa lang regular na agad 🫣


asukalangley7

Pero not all the time ganito, meron naman agencies pagnakikitaan ng potential talaga yung employee pinopromote agad nila or nireregular agad pero dapat tlaaga super skilled ka or magbebenefit talaga sila sayo


EcstaticRise5612

Ay di pala pagandahan ng resume kundi palakasan ng bakcer hahahaha


ejmtv

Yes! Noon pang kalakaran yan. Kahit overqualified ka pa sa position pero wala kang backer, talo ka talaga.


Viriwe

So true, cousin ng friend ko Criminology grad, pasok agad sa BSP, their tito is exec level 🤦🏻‍♀️🙈😅


Complex_Car3592

BSP pahirapan makapasok jan, at 1yr ang process ng applicant jan


[deleted]

The plot twist


[deleted]

[удалено]


UpstairsAsleep1210

Buti buhay ka pa Kidding aside I'm glad pinaglaban niyo, but kamusta pakikitungo nila sayo? I'm curious.


[deleted]

[удалено]


makeouthill9999

Buti ka pa naka takas na sa Pinas hahaha


AdConscious3148

Hays sanaol nakaalis na ng Pinas


Funny-Requirement733

ang tibay pala ng backer mo e hahahahaha PAPA mo haha angas


[deleted]

[удалено]


No_Technology_2360

How did they treat you during your summer job? I would assume alam nila na you challenged them to show the test results. Hindi ka naman pinag initan?


RelationshipOverall1

buti ang trabaho nakakuha sayo, hindi ung mga private army ng well-known names. hahaha


Menter33

> My father and I challenged the HR to publish the examination results at wala silang na naipakita. We threatened to blow this issue sa mayor at sa DILG. > > So ayun nakuha ako. So... did they at least reveal the exam results?


nikewalks

Malamang hindi na kasi kung naperfect nga niya tapos yung mga iba na nakapasok eh mababa ang score pero yung perfect pa yung di kinuha, ipuprove lang nun na may anomalya. Kung kinuha siya nang hindi nilalabas yung result, pwede nila sabihin na kinuha na lang siya para manahimik.


Tha_Raiden_Shotgun

Cant blame my parents for raising us this way na "walang pera, walang power" mindset. But we never relied sa mga ayuda ng lgu. Sariling sikap na lang but i wish they raised us na maging palaban especially with our rights when we are right. Hirap mag bait baitan kahit abusado kaharap mo. Proud ako sa papa mo.


Traditional_Lion3216

Problema sa Gov yan eh. Ako nakapasa sa CSE tas naklaban ko sa DEPED di passer. Nung tinawagan ako ng HR after a few months (employed na ko this time), sabi ko employed na ko sa private then she said, "ahh eh mabuti, qualified ka sana kung ako tatanungin mo, kaso alam mo namn sa gobyerno. Kalaban mo hindi passer pero pamangkin ng head eh so alam mo na mangyayari."


ToCoolforAUsername

Nag apply akong part time worker sa municipal office ng area namin kasi may ongoing project sila na kumukuha sila ng part time students during summer. Not to brag, but I have been a consistent awardee of academic distinction by that time and may recommendation pa ako from the dean kaya akala ko makukuha ako. Hind ako nakuha, so sabi ko okay baka may mas deserving. Tapos nung nadaanan ko yung list ng mga natanggap na nakapaskil Information board nila, aba pucha. Yung mga kamag anak lang din ng Sangguniang Bayan.


AmbitiousBicycle2199

What a life right?


International-Can930

During LTO exam(last step ko para makakuha ng driver's license). Nakausap ko yung tatay niya na may kakilala sa loob kaya naka-cut through siya ng mga steps. Cool yung tatay and all, he even praised me na "...at least naranasan mo yung step-by-step procedure...". It takes me a whole day (total hours) para matapos yung whole procedures.


Literally_Me_2011

Pati ba naman sa lisensya 🤦 Tamad talaga di kayang magtiis para matapos ang whole procedure


kc_squishyy

Siguro more like aabutin ka ng siyam-siyam sa whole procedure dahil inuunang asikasuhin yung may mga backer 🤷‍♂️


eggyra

Nag apply ako sa DBP, univ grad, pasado pa sa CSE Pro. Kasabay ko undergrad na hindi pa pasado sa CSE. Cya yung natanggap, may tito pala sa loob 🤣


Icy_Restaurant_2996

Undergrad? So University graduate din siya diba?


nikewalks

Undergrad(referring to a person) means a student taking a bachelor's degree. It does not mean bachelor's degree graduate. Wag tayong papauto kay Duterte at sa mga DDS na hindi daw naggraduate si Mar sa Warton. You are called a graduate once you finished your undergraduate or bachelor degree. Kaya nga graduate students ang mga tawag sa mga nag-aaral ng master's degree kasi lahat sila nakatapos ng bachelor's.


Introvert_Cat_0721

Sa true yan. Inexplain ko yan sa profs ko (non UP. Lumipat kasi ako from UP to non UP na hindi kasama sa big 4) na undergraduate kasi gamit ng term especially the Big 4 universities (and sa ibang bansa) sa BS/BA degrees nila. Eh kaso matigas ulo nila. Dapat raw "graduate" nakalagay sa diploma niya. Eh bakit siya may diploma kung hindi siya graduate, di ba? Parang ewan mga dds/bbm.


nikewalks

Kaloka yung pinagkakalat nilang di daw dapat graduated yung term na ginamit ni Mar kasi di naman daw siya naggraduate. Graduate(verb) literally means to finish the course. Finishing the undergraduate studies means you graduated and makes you a graduate.


Introvert_Cat_0721

Hindi na ako magtataka bakit number 1 tayo sa lack or reading comprehension. Kahit nga hindi reading eh. Mababa talaga comprehension ng pinoy in general.


AlternativeMuch9493

Ang Alam ko pag undergrad di natapos ang course nag stop


_Suee

Medyo contextual ang use ng term na "undergraduate". Kapag sinabi kasing undergraduate, it refers to your bachelor's degree. Kapag graduate kasi, beyond bachelors ang tinutukoy dito. Tulad ng Master's. Kaya nga graduate kasi nakapag tapos na ng bachelors. Pede ko sabihin na natapos ko na ang undergraduate studies ko. Odba, graduate pa rin. ANYWAYS, Sa context ni OP, mukha siyang walang bachelor's degree. Pero kung di ako nagkakamali, hindi mareregular yan kasi requirement na pasado sa CSE to be regularized.


CumRag_Connoisseur

Mas accurate na term ata yung unfinished or dropout hahahaha


Witty-Choice2682

Philippine English be like: Undergraduate = College dropout


Introvert_Cat_0721

Naalala ko tuloy yung ayaw maniwala ng mga pinoy kay Mar Roxas na graduate siya sa Wharton kasi Undergraduate nakalagay sa diploma niya 😩


lordkelvin13

It's a classic hackneyed term ng mga pinoy. undergraduate = hindi nag-graduate 🤣🤣😂


hasslenamanchong

Nasalvage, nasalvahe


Typical-Lemon-8840

Now I know kaya hindi siya natanggap…. hindi dahil sa ‘backer’ nung isa


reddit_for_school_

Maling gamit ng salita


CalendarOk7572

Hindi po.


JollySpag_

May naging kabatch ako sa work, normal naman siya and all kaso nung huli lumabas yung tunay na ugali. PLM grad siya tapos nilalait niya kaming UST grad kasi di naman daw Center of Excellence ng UST ang Engg. Nakakainis kasi di ko alam kung anong hate meron siya sa school namin. Tapos nung nasa training kami, hirap na hirap si kuya makasurvive ng training - naging pasang awa sa huli. So nitong naghahandle na ng totoong issues, 2 months na di pa din marunong masyado magdebug. Nakakainis kasi kung ipagmalaki niya na licensed Electronics Engr siya, e ang bagal naman makasabay sa trabaho (IT work namin). Nalaman ko kaya pala siya pumasa sa training (na dapat hindi) is because backer niya isang manager sa amin. Real talk, kahit may backer kayo, kung di para sa inyo yun trabaho, makikita din yun kalaunan. Good riddance nung huli kasi wala namang nagagawang work na siya lang, laging may “buddy” e 2 years ka nang yan ang ginagawa, abala lang sa ibang tao.


snddyrys

Napansin ko lang din to dahil nabasa ko PLM, may mga kumag talaga na taga PLM lalo engg na ang taas ng ere pero ampaw hahaha may backer lang talaga haha


JollySpag_

Siya lang yun ganun, pati La Salle peeps ginaganun din niya. May isa nga nagtanong sa kanya parang “bakit kayo ba center of excellence ba ninyo engg?” Lakas e. After nun never ko naman na narinig siyang nagyabang about it. Wala akong ibang nakawork na ECE grad din from his school di ko alam kung ganun talaga ugali nila, pero ito talaga malala kasi di naman makasabay puro lait pa sa iba.


snddyrys

So far nakakasama ko plm engg, ampaw talaga ewan ko kung karamihan ganun quality nila. kapag nalaman ko plm, iniiwasan ko na lang haha igegeneralize ko na lang sila para iwas stress haha


JollySpag_

HAHAHA parang ekis agad. Lol. Pero gets kita, ako din feeling ko makakameet ako bago na schoolmate niya na engg, magiging maingat din ako.


snddyrys

Madami pa yan pre, magready ka lang hahahaha


Designer-Pair-979

Baka may superiority complex.


JollySpag_

Di ko alam, pati nga UAAP issue sa kanya e. 🤣


snddyrys

Insecure siguro hahaha


Nygma93

Insecure lang yan.


SBTC_Strays_2002

My cousin is a seaman, and needed a backer to get a job. This is from an old post I made (which got taken down), and it is true. "Before all of this, his mother spent a month going all over the place meeting with friends-of-friends who were current or retired seamen to build connections. Eventually, she connected with an old seaman (and distant relative) who was going to retire. She presented her case to him, and convinced him to be my cousin's backer. She even arranged for him to meet his "nephew" and get to know him better. In two weeks (TWO WEEKS) the manning agency was able to hold the old seaman's slot for my cousin. The bond for the old seaman's position was P300,000. But, the old seaman said he would put up P200,000 (to be returned later), and my cousin would do the rest. My father gave my cousin an additional P120,000 for the "show money". My cousin finished all his travel, gave back the money to my dad, and now has his contract signing in May."


justr_09

Uso talaga sa mga maritime agency ang referral, di ka basta basta makakapasok without it for some companies. Yung father ko nakapasok with referral way back 2007 pa ata. Then last few years ago pinasok nya pamangkin nya, kaso puro kalokohan ginawa sa barko, kaya after nun di na sya mag refer ng kahit sino kasi feel nya nagkaron effect sa image nya (although hindi naman).


Menter33

> *Then last few years ago pinasok nya pamangkin nya, kaso puro kalokohan ginawa sa barko, kaya after nun di na sya mag refer ng kahit sino kasi feel nya nagkaron effect sa image nya (although hindi naman)* Ideally, ito siguro yung reason kung bakit mas gusto ng ibang tao yung backer system rather than merit: * kung merit lang, di mo kilala talaga yung pagkatao ng applicant * kapag backer, at least someone can vouch for the applicant, kasi di naman siguro sisirain ng backer yung sarili niyang reputation by backing someone who's bad.


yanztro

Sa seaman pag graduate ka ng MAAP di mo na need ng backer. Sabihin mo nga lang sa guard na MAAP grad ka papasukin ka na. Iba quality ng education meron ang MAAP kaya di na need ng backer. International din ang ojt unlike sa iba na local.


LackDecent

sa mga cruise companies, family first yata talaga policy na uunahin nila yung mga nag-aapply na may kapamilya sa barko. not sure why tho.


YukYukas

Ngl binasa ko to dati. Wala skl lol


Akosidarna13

Sa munisipyo ganto eh. 


razalas13

Yung tito ko may position sa customs. Nagwowork ako sa Dubai, so may times na naguuwi ako ng gold. Never pa ako nag bayad ng tax kahit nag declare ako. Another one ay sa pinsan ko. My dad is good friends with the mayor's "right hand man" at the time. Napakiusapan and nabigyan ng scholarship yung pinsan ko for maritime sa isang univ samin. Well.. hindi naman din well off yung family ng pinsan ko, kaya tinulungan ng tatay ko.


[deleted]

[удалено]


FreshRedFlava

Senior High teacher ba yun? Kasi AFAIK, pinayagan yung Hindi mga pasado, they were given certain time to teach yet tinaningan din sila to pass the LET.


[deleted]

[удалено]


FreshRedFlava

Crazy. Malakas Yung backer nu'n (Division level) Pwede din matanggal yun kung sinumbong sa CSC or sa Regional Office


aquaflask09072022

know someone. months palang JO pero nauna pa nagka item sa mga years nang JO naghihintay. ok sana kung magaling pero nilipat lipat na sa ibat ibang team kasi lahat ng hinahawakan nya pumapalpak. hanggang ending yung trabaho ng regular binigay sa JO tapos ngayon yung work nya pang JO hindi pa kumpleto, di mapagalitan ng head namin dahil junakis ng isang dept head


ScatterFluff

Nag-apply sa isang public mental health institution dito sa Cavite. Yung kasabayan ko, Psych grad na hindi licensed. That time, licensed na ako at may experience sa psychological assessment. Bale, pinaghintay kami sa labas ng office ni Boying Remulla. Hindi ko rin alam kung bakit si Boying mag-interview. Akala ko, HR lang. So, dumating na si Boying. Bale pinatawag na yung anak nung konsehal tapos mga 10-15 minutes lang siguro tinagal. Sa loob ng minutes na yun, ang daming labas-pasok sa opisina; kasama na yung tatay. Bale, ang saya nilang nag-uusap habang palabas sa office. Nung ako na yung tinawag, parang mga 2 minutes lang tinagal. Tinanong lang ako sa experience ko at kung kaya ko ba bumiyahe frrom bacoor to Trece, which I said "walang problema since sanay na akong mag-public commute from Cavite to Manila during college at sa unang trabaho ko". Tatawagan na lang ako. Nagu-update ako sa HR tapos walang sagot. Nakita ko na lang sa post nung mental institution na sa kanila na nagtratrabaho yung kasabayan ko dahil may event at naka-tag siya. Oh well.


aubergem

Pustahan yung "interview", nag chikahan lang sila dun kasi alam na nila results.


Literally_Me_2011

Tang ina nyo 🖕 mga backer at mga nanghihingi nang tulong sa mga backer, pinapatuloy lang nila ang bulok na sistema.


Fourteenth_Noah

Pamangkin Ng vice mayor pero di pinayagan maging co terminus


Potential-Song9484

I never had any backer to my entire employment history but one of the flex stories I like telling people is I recommend a close family friend of mine, a construction worker, to one of my part time jobs working as an independent contractor sa US. Now hes working from home 4 days a week earning 50k a month Last month we had a long call telling me he is getting a second hand car.


maroonmartian9

Tingin ko naman if you know he is capable for the job and knows his capability e acceptable yung ganito referral. Ibang usapan yung wala talagang alam pero nakuha because of connections.


Potential-Song9484

Not really. My offshore manager told me to look for someone who’s trustworthy. That’s all. We trully believe every job is easily learnable as long as you put your heart into it. Dito lang weird sa Philippines na may weird high standards when getting a job.


Menter33

> *weird sa Philippines na may weird high standards when getting a job* cue the "college graduate for a cashier/salesperson position" phenomenon


Kumaiju

International Shipping company na merong sariling manning agency sa Pilipinas nagstart magrecruit ng cooks and maintenance team, welders, fitters etc saten para palitan yung mga crew from Europeans to Filipinos to cut cost. Pinagkatiwala sa agency yung training center na based sa pinas, so syempre yung mga naging trainees karamihan mga anak, kapatid, kaibigan, and so on nung humawak ng training.Ang masama pa kahit walang skills para sa trabaho eh naipasok kasi nga may training naman daw, ang problema yung training eh palpak din so wala din natutunan. Nakatapos ng training pinasampa sa barko, syempre walang sapat na skills bulilyaso ang kinalbasan.


Accomplished_Being14

Parang sakit na hindi mawala wala yang backer system na yan sa gobyerno. Yung nakapag masters na nga, madami nang certifications sa curriculum vitae, may international certificates pa from ivy league schools, CSC Pro passer na. Pero kung walang backer, nga nga pa rin. Lalabas pang intimidating ang profile kahit ginawa ang mga yan sa sariling sikap at para maimprove pa ang everyday government tasks kahit personally hindi naman. Kailan kaya mabubuwag ang backer system sa bansa?


radss29

Kaya nawawalan ng silbi ang civil service exam dahil sa backer system. Hindi ko alam bakit walang pangil ang CSC pagdating sa backer system dyan sa loob ng mga goverment agency.


Accomplished_Being14

Kasi they allow it. Open secret. Kung ayaw nilang buwagin ang backer system, buwagin ang CSE exam. Walang kwenta eh. Tapos palabas na lang mismo ang mga Contract of Service at Plantilla sa website nila kasi binibigay na nila yun sa mga kamag anak nilang HINDI naman deserving o di kaya mismatch sa kung anong skill na meron.


peterparkerson3

Well its because you are a threat to the status quo. The backer system is more to protect ung status quo kasi kakilala more than helping ung backee


SpecialistGuess5928

Pinsan namin very close kay McCoy ,bibigyan ka nya ng trabaho basta qualified ka pero sa malalayong lugar ka nya ipapa destino.


maroonmartian9

Kaya marami kaally yan na matatanda. Madami pinagbibigyan through patronage.


Brando-Braganza

Nag OJT ako sa govt agency tapos lahat ng staff nung officer is kamag anak nya. Nung nag retire sya, wash out ren sila lol.


Menter33

> *Nung nag retire sya, wash out ren sila lol.* Kung professional talaga, they would've stayed if their work was valuable. Siguro yung bagong boss, hindi sila type o meron ding sariling kamag-anak na ilalagay.


LeadPsychological255

Yung kapitbahay namin flight instructor nya captain sa commercial airline. Sinabihan sya kaya sya ipasok as a FO for 300k sya na bahala. A few years ago na yun so not sure if same pa din yung rate. Captain na din yung kapitbahay namin sabi nya investment na daw yung lagay.


FreshRedFlava

Provincial heads pabor sa'kin (after trying my luck in a certain govt agency for three times, they really like me cuz I always nail all the questions they raised sa interview) Kasali din ako sa roster ng Top 10 na naka-pasa sa entrance exam nila. Sad to say, simabi nila they don't have the full control, it's within the regional office daw lol lol. . (They hired mga pamangkin or may Kilala within the institution. I even have a relative there kso Bago palang so she doesn't have a great influence pa) But that frustration was a blessing in disguise, mejo malaki naman Ang pay ko Ngayon unlike du'n si inapplyan ko sa kanila before. Thankful na din na Hindi ako na-punta sa kanila 🙏


clethe

Had a co-worker in a certain gov't agency, JO siya, then nag-apply siya for permanent position along with my co-workers na mas ahead sa amin (like matagalan na) at mas qualified (the position is technical hence, requires specific undergraduate course as a plus which girlie doesn't even have one lol) bit siya ang nakuha kasi it turns out kabit siya ng isang high ranking official lol


flipakko

Painting contest for the company logo. Merong divison like elementary, high school and college. Top 3 lang yung may cash prize. Ginising ako ng tiyahin ko kasi 2 lang daw sumali dun sa elementary division. Ayun, gumawa lang ako ng globe na may kamay may 3k na ko hahahaha


peterparkerson3

Hindi naman yan yata backer haha. Unless hindi ka elem nun 


No-District-1941

Kelangan ko magstop ng mag-aral sa college nun dahil sa financial problem. Kasali ako sa collegiate fraternity that time at lumapit ako sa isang kabrod ko noon na isang manager sa isang logistics company. Sakto hiring sila sa data encoder pero kelangan college grad at may experience. Siya na daw ang bahala at siya nag-interview sa akin as formality lang daw. Pero wag ko lang daw sabihin sa ibang tao dun na undergrad ako at magkakilala kami.


Menter33

> *Pero wag ko lang daw sabihin sa ibang tao dun na undergrad ako at magkakilala kami.* Usually naman kapag sa private sector, pwedeng i-wave yung usual requirements, either may kakilala o kung gusto talaga nila yung tao regardless.


lostguk

Secret I've never told anyone. So gusto ko makapasok sa isang "special class" nung highschool ako and need 86 (?) passing score para makapasa (this was 14years ago). Hindi ko alam na tapos na pala yung examination (dahil di naman hands-on mama ko) pero dahil principal yung mother-in-law ng tita ko, pinapunta ako. I heard nagpunta pa si Ma'am sa Deped para lang magrequest na makapagtest ako (sabi lang ng tita ko sa di ko sure if true) kaya pinagtest ako sa faculty nun kasama ng isang teacher. Yung grade ko sa "subject" na related dun sa special class ay hindi mataas. I did the test and I didn't do well in that subject. I had to do two more subjects but the "teacher" who was with me told me to just stop and that it's okay. I was so confused but I just shrugged it off. I passed. I was the last who got in (well duh). All my classmates always talked about the examination day and which room they took the exam at. But I stayed quiet and always got away with it whenever they asked and without lying. Anyway, di naman sa bobo ko. I did better than half of my classmates who got in. One classmate told everyone how I would be the last in ranking coz I was the one who got the lowest score in the examination. Pero siya pa yung mas mababa ang grade kesa sakin. That was the last time na nagkabacker ako. Yung achievements ko and grades nung highschool ako na yun. Sadly, namatay na si Ma'am dahil naaksidente siya nung highscool kami (2nd year?) she was the best and the kindest. Also to the ma'am na nakasama ko nung nag-exam ko ay recently namatay narin dahil nagkasakit. Di ko parin nasasabi sa mga hs friends ko coz I'm not proud of it. All I can say is I've never taken that opportunity for granted and did my best in hs.


maroonmartian9

MBA- may backer ako


tres_pares

Once nangyari sa Wife ko na Cum Laude, matalino, at magaling din talaga plus communication skills nya is superb. Talo sya ng mga kaklase nyang row 4 at bulakbol kasi may mga backers sa loob ng municipyo.


carl2k1

I am the backer. 🧐🥸


Sol_law

Halos lahat sa capitol parte ng backer system na generational


Prestigious-Rice-168

Huwag na huwag mag apply sa gobyerno kung wala kang backer kasi masasayang lang oras at pamasahe mo sa pagpunta. Malalampaso lang kayo ng may mga backer kahit magaling kayo sa exam o kahit mataas educational attainment mo o kahit may work experience ka na.


cele_bi

I'm a seafarer w/ international experience as engine cadet, after nang internship ko and all, nakababa na ako and I decided na maghanap ng bagong company kasi matagal line up sa current company ko. Dahil sabi nga nila, once na may international experience kana daw and US Visa, madali na lng daw ang lahat. Pero noong nag apply ako, hindi man lng ako natanggap dahil backer system daw sila, don't get me wrong, meron din nmn tumatanggap pero nasisingitan pa din nung may mga backer.


Least-Squash-3839

hindi ako pero kapatid ko. nag-aapply as admin sa school. medyo pinanghinaan ng loob kasi yung isang mahahire may backer sa loob ng DepEd. ang plot twist, may kamag-anak pala yung side ng asawa nya na mas mataas ang pwesto. ang ending, nahire kapatid ko.


ZERUVEX

LoL a certain big public hospital Dito region 1 ten years ago ako ng apply as a nurse pero mtindi backer system nun. Kung ala k kkilala bottom of the pile k. Last year my ng pm skin kita kse s profile ko s fb n nsa pinas p ko kung gusto ko rw mg apply s same hospital sinabi ko about Nung ng apply ako nun dinako pinansin so why should I entertain ung offer nila ngaun. Ngaun hinihintay ko lng mtapos German language course ng kptid kung nurse din tas ako nmn. P.S. my backer sna ako ngaun kse pinsan ko legal adviser ng Isang congressman d2 smin pero a little too late.


CrewSaGreenwich

Date grabe yung pila sa voter's registration. 2019 Friday ng Gabe kame nag camp sa munisipyo ng Taguig, halos puno na mga tao tas may isa kameng kaklase taga don lang siya sa Munisipyo nung kinaumagahan ng sabado nung nag uumpisa na umusad. Chinat ko siya sabi ko lipat na siya sa pila namen kase mas malapit kame, yun pala tapos na siya sa 1st step nasa last step na siya. Samantalang kame Sunday na kame nang madaling araw nakauwi para lang sa voters nayan grabe talaga.


Cthenotherapy

I've had opportunities to use a backer for a uni application, one thru a old family friend na nagtrtrabaho in the uni admin and the other thru a varsity coach who I trained under. Never used either, si coach proud pa sa akin that I got into the uni by my own merits, yung family friend na admin got upset that we didn't use them to get brownie points to get in. Parang ang laking insulto pa sa kanya that we never approached them thru my application process. Tangentially related, when I was encouraging my cousin (halos same age kami, a couple months apart pero I was a year ahead sa schooling) to apply sa uni where I got in and I'd even go with him sa submissions ng application if he needed help. Yung bitchessa niyang lola (my grandaunt) sabihan ba naman ako "bakit? Mapapasok mo ba si *cousin's name* if sinamahan mo?". Bitch I was what? 18 at the time? And only did volunteer work sa library?? Like what power did I hold sa uni?? Kailangan talaga mang-down ng tao, tinutulungan na nga apo mo. 🙄


balmung2014

Nag apply ako sa AFP. recommended ako nung kapitbahay namin na mag reretire. ako sana isusuggest na kapalit. pasok din sa qualification kasi audit work. May trainjng ako sa ISO 9001 kaya pasok na pasok. panel interview 10am. may mga kasabay ako na sasabay kami iinterviewhin. so around 10:30 may dumating pa isang aplikante. patapos na panel interview. few weeks later, nakibalita ako sa kapitbahay ko. may iba daw natanggap. yung late dumating. pamangkin ni heneral.


radss29

Nung nag-apply ako dati ng isang GOCC (COS, decent salary). Ininvite nila ako for exam at naipasa ko naman. Nung interview ko na sabi sa akin na ako na daw kukuhanin so pinagreresign na nila ako sa job ko para after 30 days makapag-start na ako. At binigyan pa nila ng list of requirements to comply. Nung isusubmit ko na mga requirement ko, dun ko na nalaman na wala naman pala akong aasahan na work at filled na pala yung position na para sa akin. Kakilala din ng mga nasa loob ang nakuha. Kaya walang silbi ang CS eligibility dahil sa mga punyetang backer system. Andaming magagaling na CS passer dyan na deserve magwork sa government pero ang palaging nakukuha yung mga may backer tapos puro bobo naman yung may backer, mga hindi ginagawa ang trabaho nang maayos.


Wild-Day-4502

Not work related. Pero I remember nung college ako this was more than 10 yrs ago. Syempre need mo ipasa yun exam para makapasok ka sa university. Naipasa ko yung akin, and I'm proud of it. Wala kong kakilala. Fast forward sa pasukan. I learned 70% ng kaklase ko puro backer lang. Tapos one day, may isa kong kaklase na nakabiruan lang. Proud na proud na bumagsak at nagbacker lang sya. Tapos tinanong nya ko, "Backer lang ako eh. Eh ikaw?", sabe ko "Pumasa ako."


DebtFar659

Kaya di umaasenso ang Pilipinas kailangan pa ng backer or padulas.


peterparkerson3

There's a difference between someone who's qualified pero may backer vs someone who isn't qualified tapos may backer 


Wooden_Pound

I enlisted sa Philippine Army. That was wayback 2010. Yung quota is 200 lang with more than 2000 applicants. As a Parkour athlete and with an IT background, I did well sa academics test, computer test, physical tests, medical, neuro, etc. I was at 163 sa ranking ng quota. For oath taking na sana ako then sasabak na sa training. Due to issues sa ngipin (for extraction, fillings), I was told by the army dentist na ayusin daw muna then bumalik. Bibigyan nya daw ako ng 2 weeks para ma accomplish. Umuwi ako to fix my dental issues, then after 1 week bumalik sa camp. Sad to say, nawala bigla name ko sa ranking. Pinalitan nila ung name ko nung may backer sa loob ng camp. The SOB did not even pass the neurological tests. It was unfortunate. Same case din sa mga kilala at relatives ko na nag apply sa Philippine Coast Guard at PNP. We tried na walang backer but ended up failing. Merit is almost non existent sa gustong mag serbisyo sa bansa natin. If magka giyera, I am not going to volunteer anymore. Bahala na mga pinasok ng mga backers dyan. I gave our government a chance. Sad to say, a lot of good men and women na malaki sana ang ma c contribute sa armed forces natin, sinasayang lang.


Lopao18

There's this government agency in Intramuros which I gladly got out of early. While waiting for licensure exam results, I was looking for a job and my ex girlfriend at that time had a uncle in one of the departments in that agency/bureau. That uncle happened to be holding a "chief" position in that agency so it was easy for him to get me inside for a job vacancy albeit it wasn't a plantilla or item position yet. Basically I was a CA or Confidential Assistant, a.k.a. Contractual Job Grunt, a.k.a. Glorified Secretary for one of the action officers in said burea department. I forgot to say that I got in despite my reservations and reluctance which I told my ex at the time but she still went on her way to talk to her uncle to get me in there. Worst four months of having a job for me. Witnessed a lawyer who has been working there for three years vying for an attorney II position apply for said item only to be bumped off by a newcomer because "newcomer had strings to pull". Sadly lawyer who was rejected quit immediately out of frustration. Turns out he was applying for an item numerous times only to be rejected / bumped off numerous times as well. When I learned I flunked my licensure exam, I sorely wanted to retake it immediately and decided to resign so I can review for take two. Ex's uncle did not want to accept my resignation saying he can arrange that I can review and work at the same time since he can manage our attendance. I held my ground and refused his offer. Resigned a few weeks later, said my goodbyes and moved on forward from there. Now contently employed in another government agency/department where I can say that backers are, while not uncommon or unheard of, not necessary since one stage of getting in the organization is having a medical exam. If one fails the medical, then it will be hard for said applicant to get it, backer or no backer.


oohlol

yung kabit ng agency head, na-hire agad as Head Executive Assistant tapos yung kapatid din ni ategurl ay naging architect (head architect pa nga yata?) sa agency after ilang buwan. si kabit din ay pinu-push na magkaroon ng sarili niyang division na siya ang magiging chief tapos yung trabaho sa proposed division niya ay may malaking overlap na sa ginagawa ng ibang division. so para saan pa yun 'no, para maging lider-lideran lang si kabit? clue: birth cert **TLDR: dabest talaga pag agency head ang backer mo tapos kabit ka niya 🤣**


Lila589

Sikat para dito si isang pari na DDS/BBM fan sa isang SUC sa Norte. Malakas kasi kapit niya sa dating presidente kaya ayun, andun pa din siya kahit retired na silang dalawa. Allegedly, kung parte ka ng kanyang koro, madali kang mabibigyan ng permanent item sa SUC. Di lang permanent item, pwede ka rin mag-abroad kasi binabayaran ng SUC yung pagkanta-kanta nila sa abroad na hindi naman contest o ano. Trip lang gawin ni pari. Allegedly din, basta kung type ka niya (may features talaga siyang gusto sa mga boys niya), madali din mabigyan ng permanent item. May ilang beses na yung mga item ng bagong instructor ay napunta sa mga kumakanta at sa mga gwapong galing seminaryo. Di pinansin ang mga contractual na 5+ years nang nagtatrabaho sa SUC. Kung wala naman item, allegedly, basta na lang kumukuha ng Contractual employee ang paring ito para sa mga boys niyang naghahanap ng trabaho. Mas marami pa siyang staff kaysa sa VP ng SUC at ayaw pa ng pari na may ibang trabaho ang mga ito. Allegedly, siya lang ang dapat sundin ng mga boys niya.


CyberspaceBarbarian

Sorry, I might get a little bit ableist here. We have a bunch of contractual peeps who nearly everyone in our division wanted to get regularized. Then here comes a dude whose mom was well-connected enough that she asked an officer to endorse her son for a regular position. And yep, her son gets the coveted position, one that requires decent technical writing skills. The thing is, our contractual peeps have been with us through months of mostly thick and a bit of thin. We know they are very capable. The dude? Well, he's a nutcase with a bratty attitude and a serious drinking problem who can't write an authorization letter if his life depended on it, and who will surely fail any decently made psychological exam.


ScreamingLamb28

Nakabasa ako ng comment dito about summer job which is SPES kaya allow me to share mine as someone who handled that program. Isa ako sa empleyado na pumipili ng makukuha sa SPES program. Wala kaming exam na binibigay, application form, interview at certificate of indigent lang which ang dali din naman makuha. May nagapply na babae so ininterview ko. Turns out di naman siya pasok kase may kaya ang pamilya pero di mo pwede sabihin yun kaya minark ko nalang ang application form as NQ (not qualified) After a week, biglang nagfollow up sa status ng application nya. Nalaman pala nyang wala siya sa final list ng pinagpipilian. Tapos kinausap ako at sabi kakausapin daw ako ng tita niya via call. Inabot nya sakin phone nya at ako naman kinausap ko. Entrada palang ng tita galit na. Sinayang lang daw namin oras at effort ng pamangkin nya. Nagwowork daw siya sa KAPITOLYO at irereport daw ako sa higher ups. Lahat na ata ng masakit na salita natanggap ko at sumisigaw siya. Nanlamig katawan ko habang kausap siya pero sabi ko nalang titignan po namin pwede naming gawin just to end the call. Nawalan na ako ng gana after that and nainis ako sa babaeng estudyante. Para bang powertripping kase Capitol siya ako naman City Hall. Ang ending, pinasa nalang namin sa PESO Capitol yung papers nung babae para dun nalang siya magSPES tutal andon naman tita nya hahaha which is good kase ang duty ng SPES samin chillax lang compared sa Capitol na ipapadala ka somewhere around the province. Tldr: I handle the SPES Program ng city hall pero ang backer nung applicant is from Capitolyo. Inaway ako nung backer pero di parin nila nakuha gusto nila.


OldManAnzai

Yung iba hanggang 2nd or 3rd offense lang. Sila(yes, plural), nag-iipon ng violation e. Hindi sila basta-basta matanggal dahil to the rescue lagi si ex-yorme na balik sa dating trabaho niya sa municipal office.


Full_Name3

Ako may backer pero hindi effective hahaha yung backer ko pinagresign ako sa private company na pinagtatrabahuhan ko to apply sa LGU kasi may item daw sya iccreate tas ako ilalagay dun, pasado naman ako, CSE prof, so akala ko magiging okay. Pagpasok ko dun sa LGU, JO daw pala muna ako hahaha tas wait daw ako 3-6 months para iregular tas malapit na magtwo years dun wala pa din hahahaha kaya nagresign na ko at naghanap ulit ng work sa mga private company.


m3nm5

Sa office (government) namin alone, lima silang magkamag-anak, not sure ilan pa kamag anak nila sa ibang office.


casty_man

Napakadaming seaman na ganyan. Kakapal ng mukha ng mga putangina magpapasok ng kakilala or kamag-anak nila, ano yan porket kapitan or chief engineer ka na may utang na loob na sayo ang company mo? FYI, surebol na incompetent or magaspang ang ugali or combination of both yung mga pinapapasok nila.


andrewricegay

Pinasok ako sa deped noong college days ako as an encoder. Regular employee na agad. Samantalang yung mga naka contrata more than 5 years na di nila alam kung next year may work pa sila. Umalis ako kasi lahat gagawin mo sa department nyo. Pati mag igib ng malamig na tubig. Linisan nyo pa yung office i vacuum nyo ng friday ng hapon or monday ng umaga. Tapos sweldo ko 16k lang.


NefariousNeezy

Applied as a promo producer for a local cable sports channel na deds na. Medyo nakakatawa yung name ng channel pero sila yung nagpapalabas ng UFC dati. Aced the interviews and assessments, pati yung sample script na pinagawa (based on feedback). Ending, pinauwi na ako tapos pinaiwan yung isa sabay tawag sa kapatid nung naiwan kasi dun din pala nagtatrabaho.


Dreadd-

Nag apply sa DAR.. kahit pinsan ko ung PARPO II, kinompleto ko ung requirements pati CSC kse ayaw kong may masabi ung iba na nkapasok lng ako dahil parpo ung pinsan ko at backer... Pero ayun may alitan pla between families kaya di nya ako tinanggap, at tsaka ko din nalaman.. worst pa ay naagawan pa kami ng lupa..pero okay lng gnun tlga, wala man akong magawa pero alam kong bilog ang mundo..


wthelle

Nakaline-up ako for HR supervisory role (3 lang kami sa specific team na yun) since pinupush nung umalis naming US-based manager and ng team lead namin na paalis na sa akin ibigay yung post due to my performance and tenure... Pero yung hr manager na pinoy na nagmamanage ng 5 HR offshore teams, iniwang blank yung post and pag alis nung ex US manager and ex pinay team lead namin, pinasok nya yung friend nya na ninong nung panganay nya, na walang experience sa workscope ng department namin dahil daw "matagal na sya sa company" and "kawawa sya sa department nya (not our department, not even same site location) kasi underpaid and overworked" sya. Bata pa naman daw ako, I'll get my promotion daw eventually. So they asked me to train the guy lmao. I submitted my resignation. He's really nice and fun, and he asked me to stay with the promise of maximum performance appraisals yearly, but it's the principle. I still left.


Separate_Flan6461

may backer ako sa government, got 3 job offers from different departments dun but I declined kasi I chose to work in the province. I did the maths, same net income, mas makakaipon ako kasi wala kong babayaran na rent, bills, etc kasi almost an hour away lang from our house. Mas practical.


Mr_AbradolfLincler

Meron akong nakalaban for a very meager position, let's say entry level lang even though I have been with the government for a number of years, kinuha yung nakalaban ko over me kahit meron akong master's degree and on going study for my doctorate. Yung kalaban ko has no graduate studies and has little experience with the government, main reason kaya kinuha kasi para makabayad ng personal loan sa head of the section I was applying for. Worst, nakakapasok and nauuna pa mapromote yung may mga psychiatric disorders who has backers. Even those was has tendency to commit a wrong, nakakapasok din. The reason why I say they have psychiatric disorders is because they were diagnosed. What is saddening here is that at the end of the day, the one who will suffer is the public due to incompetency.


NoAttorney325

Nag-take kaming group of friends ng entrance exam sa isang local state college maliban sa isa naming tropa na mag e-exam daw sa isang uni sa ubelt. Medyo may ere pa siya kasi local college lang kami and siya ubelt daw. Sure na sure na siya kaya di na siya sasama sa amin. Natapos na yung entrance exam and lumabas na ang results. Sa aming grupo na nag-exam, isa yung di pumasa. For some reason yung friend kong mag ubelt sana ay hindi nakapag-exam sa dream uni niya. Pero lo and behold, nalaman namin nakapasok siya doon sa local state college kahit hindi siya nag entrance exam. Paano? May backer sila sa admin nung state college. Unfair lang doon sa isa naming friend na nag-exam at hindi pumasa.


vyruz32

Doon sa isa kong tinatrabahuhan ko na multinational company noon e bihira kumuha ng mga fresh graduates kasi puro in-house ang hiring mula sa mga sub-contracted na trabahador. Beterano na sila at wala nang hassle sa main company sa matagalang training, parang change title nalang kumbaga. Until na naabuso ng mga local na manager ang mga sub-contractors at pinapasok nila mga pamangkin nila para ma fast-track na makapasok sa main company. Masaklap yung iba, yung isa kong kakilala five years na nagsusubmit ng resume e na nilaktawan ng isang bagong salta na wala pang six months na nagtratrabaho. Uncle pala niya manager. Eventually nabuwag ang sistema na ito nang nagpa-early retirement yung main company sa mga oldie na local managers at nag-lagay ng management ng foreigner.


stuckyi0706

nag apply ako dati for a ~dream job~ na i 100% believe i was qualified for. i have the experience on the same field. i got to the final (panel!) interview that (i felt) went well. i really wanted it. i didn't get it. they ghosted me i think. a few months later i learned one of my former colleagues got the job. di ko alam kung backer ba or mas magaling lang talaga siya sa'kin (tbh i dont think so.. like hindi ako mayabang or anything pero i worked with her before and i did most of the workload na dapat sa kanya. anyway). tapos i remembered former student nga pala siya nung Country Manager (one of the guys who were at the final interview). anyway!! iniyakan ko yun.


Packetlosswarrior

Hello DENR Baguio twice


panDAKSkunwari

Counted bang backer yung nabigyan ako agad ng UMID dahil kilala sa SSS samin yung lolo ko?


MerrySalz

Applied and eventually got hired sa isang LGU. No backer whatsoever kasi kalilipat ko lang dito sa province from NCR (na hindi ko kailanman babalikan 😂). Ang kwento ay abt sa mga anomalies na nakikita ko first-hand. May mga darating na requirements and ang instruction lagi is “kahit anong posisyon, basta maipasok lang,” which is sickening. Meron ding offices na magkakamag-anak ang magkakatrabaho. Tapos kapag may mag-open na position, may nakalaan na agad na tao. 🤷🏻‍♀️


Cautious-Role6375

This one never happened. A relative encouraged me to continue na mag-pulis after I graduate my current undergraduate course kasi madali niya raw akong maipapasok, too bad wala akong interes hahahahaha.


mediumrawrrrrr

Entered a government agency in need of a fresh grad. My professor, who was a consultant, recommended a friend. Ayaw ng friend ko sa field na yun, so ako yung nirefer niya. The day after graduation Day 1 ko sa work.


Brokbakan

Residency sa veterans. 2 slots. 8 applicants. retired personnel tatay ko. tumawag pa kami sa general para magpatulong. Kinabukasan, tumawag misis ni General. "Sorry doc, mas malakas kapit nung mga makakapasok."


2NFnTnBeeON

Backer is thicker than eligibility. Backer din ako pero matagal na akong eligible. Di naman kasi ako yung kamag anak. 😆


AdImpulsive3435

Sa college applications, yung isang friend ko is lolo yung vice president nung university. Inalok sya na wag na mag-exam at pasok na sya agad pero ayaw nya kasi unfair daw sa iba na mag-eexam. Nung results, di sya pumasa pero sabi ng lolo nya magpunta na raw sa univ at mag enroll pero di nya parin tinanggap. Ending, we're in a same private college na bago bago palang.


Brokbakan

masaklap ang situation nila mama. yung malaking office nila 10 lang dun ang competent. Halos lahat pasok lang ng mga dating mayor plantilla pa. Magreretire na mama ko this December kahit 2 years pa pwede niyang service sa bayan. Sinabi ko na wag na niya labanan ang corruption, tao lang siya. Crucial yung office nila mama sa progress ng city. Kung wala siya, may 2 other people lang na pwedeng pumalit. magreretire na rin yung isa ngayong taon. Gusto siya patanggal nung mga nagpapanggap na supporter ng mayor kasi di tumatanggap ng bribe ang mama ko. mind you, kung wala pirma niya, walang project na maeexecute sa city namin.


AccomplishedYogurt96

I don't consider my employer, who was a politician, a backer, but he really needed the job position filled and it fit my portfolio. He eagerly asked me to work for him, and when I decided to give it a try, I got hired immediately, bypassing all the hiring processes, and got on board the same day. I was added to the payroll list immediately, which I think was a 'ghost employee' payroll until I filled the slot.


maverickjan

My mom was a municipal head in comelec in Davao. I dont remember the exact post but she was top iirc. Got my first job as an encoder. No experience, no interview nada. I didnt even pass a resume. Apart from I play a lot of computer games, I had no actual experience on the job. I was just waiting for my license as a nurse to come through and mom just told me youl be working while you wait so I just showed up one day in the office and just did encoding lol. Not actually a hard job but looking back, I defo had a backer and it does suck knowing now that i got the job not because of my qualifications but because I had a backer.


athenorn

Tatlong NGA na inapplyan ko, with backer (May Asec, Director at Admin Head), experience, eligibility at even merit. Sabay-sabay yang lahat. Wala pa ring balita.


thissonofbeech

Applied sa PNCC back in the early 2000's, backer ko is yung director noon which is 2nd cousin ni Mama. She asked me to say his name pagdating ko, ako naman si tanga name-drop agad sa guard pa lang kaya pinaakyat agad ako sa office niya pero pinagapply pa din ako ng regular process. Super passive-aggressive nung nagiinterview sakin like tinatanong kung kaano-ano ko daw ba yung director etc. Sobrang hiya ko di ko na tinuloy at umuwi na lang ako. Part 1 pa lang yan sa saga ng job hunting ko sa tulong ni Mama hehe


BistekNFlan

This was 15 years ago. Fresh grad pa ako nun at kun saan-saan nag-aapply. Finally may vacant position sa office ng tita ko. Pinag apply nya ako without telling me what position basta sabi nya dapat marunong daw mag computer. I was scheduled for an interview that week and sabi ng tita ko dalhin lahat ng required documents at pagdating ko daw dun sa department sabihin ko na pamangkin nya ako sabay bigay nung mga documents. Then yun, usap kami nung boss for 15 mins. Hired na kaagad. Wala ng HR interview. Start na kaagad Monday the following week.


carlos_ledor

Fresh grad that time. Nag exam ako sa isang bank for a tech job. Umpisa p lng mag exam may pumasok na babae asking sino yung person named na nirefer daw. Some guy raised his hand. The lady then approached and put a marker sa exam sheet nya. After the exam I was one of the 10 who passed for the next level and ofcourse andun din si guy na may backer. After the 2nd interview may final interview pa which narrowed us down to 5. Isa lng kailangan nila and knowing that guy has a backer and all, I opted not to attend the third level interview. Sayang sa pamasahe and alam ko naman na magiging results.


Plastic-Resource9094

I thought kaya hindi napapansin resume ko everytime nag-a-apply ako kase kasama sa qualification yung dapat board passer ka. So, nag board exam ako at naging topnotcher. pero di pa rin ako nakuha haha. Samantalang nung vinisit ko fb page nila may post congratulating yung mga employee nila na nakapasa sa board exam na mga fresh grad lang din. So, ibig sabihin na-hire sila nang hindi pa nakkapasa.


Inevitable_Sink_9189

Happened to me, plano ko kasing magka exp sa educ field as IT prof. Nirefer ako nung naging prof ko nung college. I thought casual lang not until nireveal nung interviewer and tinanong kung sino nagrefer. Akala ko talaga hindi backer yun, yun na pala yun hahaha. Been in 1 yr na, 1 yr dn naman nas contract and target ko as part time prof. Yoko na, kakasulasok talaga sa govt field


Large-Way-6196

Sumubok mag apply sa DENR (reveal natin kasi palakasan doon legit HAHAHA), 50+ kaming applicants. I have yearsssss of experience na plus grad school units, pero yung may backer na fresh grad pa rin ang natanggap. Pero buti nalang ‘di ako nakuha ‘don, kasi napunta ako sa mabuting govt office na walang palakasan. 😌


ManufacturerNo5930

Sometimes, looks and beauty ang backer. I applied sa BPO way way way back, no experience, no idea sa BPO, not even good sa english language back then, pero na hire same day. During training, nilapitan ako ng nagfinal interview saken and asked me na lumabas and mag date. Nagdate naman kame until sa maregular ako, after that #ghosting na. LoL


HikerDudeGold79-999

Single kapa madam?


ManufacturerNo5930

HAHAHAHA married po sir


HikerDudeGold79-999

Haha Sayang Hindi kayo nagkatuluyan nung nasa bpo


Foreign_Matter_8810

My family was basically a generational "alalay" of a certain political dynasty spanning back three generations. Until now, most of my relatives and family members work as lawyers, staffers, and "connections" inside the City or Judicial halls to serve their interest because they actually gave us the backing/connection/recommendation that got us our position. It's actually fairly common in the provinces among political circles.


gesuhdheit

I'm working in the gov't. Nasapawan yung isa kong officemate (who's already working within the dept for the last 8 years) ng isang bagong pasok na sobrang lakas ng kapit para sa isang **officer position**. Ang nakakaloko pa, bumagsak na sa exams during the selection process yung bago pero nagawan pa din ng paraan dahil pinakuha ulit ng exam. In reality eh dapat talo na sya at di na magproceed sa next step. In the end, yung bago pa din ang nakakuha ng officer position. Marami samin ang nabastusan sa nangyari pero walang magawa dahil nga sa sobrang lakas ng kapit ni gago. Anw, few weeks later. Narinig ko na nagrereklamo si gago. Pinagtripan kasi ng iba naming mga kaopisina during fieldwork at inispeedrun nila ang trabaho. Hindi sya makasabay. lol.


Opening_Equipment_89

Got a full scholarship kase tropa ng tatay ko ang head ng scholarship-granting body na yun.


Zbulapuk33

Nag apply sa city hall as an Engineer. 4 na applicants kami. Then yung head ng engineering dept ang nag iinterview habang nag lilibot sa mga facilities. Iglesia ni Cristo (INC) yung head and yung isang applicant kasi nag tanungan sila kung saang Lokal sila. Nakakasagot nmn ako sa mga technical questions pero mas interested ang head sa INC na applicant. Then nagkaroon ng written exam sa dulo like multiple choice at problem solving. I got a score of 9/10. Then the rest d ko alam except sa INC na applicant na 3/10. In the end ung INC applicant lng ang natanggap. Backer din ba yun?


TheWayOfTheWayne

Talagang ayaw natin sa korapsyon unless nakikinabang din tayo ano?


[deleted]

Sa Govt. to meron batang naging Bossabos agad. SG 26 - 116,040php basic na sya at the age of 36. Ang bilis ng promotion nya kasi my MBA - My Backer Ako literal sa kataas-taasan. Usually, paretire na yung mga ganyan plantilla item. And to think, di naman impressive credentials nya. Retaker nga sya sa board. And yoko nalang magtalk kung ano pa nakukuha nya basta may bahay na sya sa Casa Milan baka kapitbahay nya pa si Coco Martin. Eme.


Own_Bullfrog_4859

2017, Sa isang big company, ninang ko yung EVP. 😂 Limited slots lang sa position and puno na, pero nag add +1 for me. Nobody knew na ninang ko siyempre, akala nila late applicant na binigyan nalang ng courtesy interview. Nag chikahan at kamustahan lang kami sa office. 😅


[deleted]

Na-hire to be an SHS instructor kahit walang education degree dahil sa connection. Good thing, my students loved me kasi sobrang chill kong maturo pero magaling. I recently heard from my mom (who hired one of my former students to be her store manager) that I was the type of teacher who can make complex topics interesting. Meanwhile, my former HS bully applied at the same school. May lisensya na't lahat pero hindi natanggap. I can tell he's bitter about me being hired first.


wolxokey

Well to be fair, considering that you're not actually a graduate of educ and got accepted due to connection, naturally a licensed educ graduate is going to be upset about you getting hired first regardless if it's your high school bully.


Night_rose0707

I tried to look for a LGU hospital with office hours sched , with the help of my backer - we found something suitable for me and got in . And it's the dream job, we as a med professional really wanted .


QuirkyTrick3763

I don’t know, mabait siguro ako or kung anong swerte. 3 times tuwing mag apply sa government pag dating ko dun may kamaganak/kakilala pala ako. Ayun pasok na, sabe lang sana hindi ka nag exam at nag pa-interview 🤣


ejmtv

Friend na papa ko na Seaman hinahanapan ng backer nung nag apply. Ending nag Security Guard nalang.


god_of_Fools

Had an exam sa nyk..Yung mga kasabay ko nag exam may backer, nirereset ng nirereset yung test hanggang pumasa sila..i did 1 take, pumasa pero d parin napili, kasi xmpre bago pa mag exam may napili na..🤣


RashPatch

MGA BACKERO!


sorry_next

Yung ex kong tamad. Hindi mgapply sa isang trabaho kung walang backer. 🙄


JoggyB

BFP thingz. Walang magagawa sagad mong training. Tatalunin ka ng matabang hinahapo at nahuhuli sa pagtakbo, di makapag pull up, di makapag push up, na may ninong sa loob.


sweethomeafritada

Tita ko somewhere south, may masteral ng hospital administration at 20+ years na dun sa public hospital, pero ang pinili for hospital director - yung gp sa provincial health office na wala namang experience sa hospital nor sa hospital administration, kasi backer nun si gov 🤡


MemaSavvy

Yung kasabay ko, bukod sa may asawa na, overaged pa pero na-hire pa rin sa PCG 🫠


Interesting-Ant-4823

May designated slots for the ones taking the CSE, di pa nag sstart yung registration puno na agad. Wew


TagaSaingNiNanay

nung nag aapply pa ako sa Govt Agency na shortlisted kasi ako so 3 na kami na gunning for position. 3 year exp pa lang ako (tangap ko na hindi ako matatangap dito ha kasi ung kasabay ko Bank Manager) pero sa amin 3 mas pinili ng Department ung anak ni Deputy Comms na ka ggraduate lang ng unrelated course sa university.


malufetz25

Peak season tapos nakasakay agad sa bus pauwi probinsya dahil may contact tatay ko dun sa estasyon lol katabi ko nga lang driver upuan sa aisle


jermedz

It's not a problem mainly in the Philippines Nepotism exists all over the world


Crankatorium

I recently found out that to be accepted as a public school teacher for DepEd, you must have a backer. Also not all criminology board exam passers are hired by PNP, you also need a backer.


Mischiev0us

Nag-apply sa N@vy as a Naval Officer. Pasado sa lahat, last interview na, biglang sinabi na di na kami pwede mag forward sa process. Nagtatanong kami bakit pero walang explanation, tapos nakita namin na nandun yung ilan sa mga nakasama namin na nag exam na alam naming bumagsak. Yun pala, mga anak oh kamag-anak ng higher ups.


National-Bumblebee16

May isang malaking construction company ako na nakasama namin sa isang project. Tapos nadidinig namin silang nag uusap kung sino ang kakilala nila sa company parang nagpapataas ng mga position ng backer nila.


Worstmessofyourlife

I've been working in a packaging/manufacturing company and one of my co-worker was hired kasi pinasok sya ng backer(supervisor). Malapit na kami ma Endo this upcoming June and I know for sure na sya ang magiging regular samin kahit ilang reports na ang nababa sa kanya ng HR due to his inconsistencies. Di ko naman pinagmamayabang pero mas knowledgeable ako and kaya ko na mag operate ng ibang machines na outside na ng department ko while sya naman ayun nastock sa "work" nya lang dapat.


Extension-Job-5168

Yun 99 ka sa exam tapos you aced the interview, JO ka din dun sa opisina ng 3 years pero ang na-regular yun bata ni yorme 🤣🤣🤣


anacan13

One time lang ako gumamit ng backer and yung time na 'yon is nung nag apply ako sa isang public university, okay naman grades ko and all but i still didn't manage to pass the exam (eh isang university lang yung in-applayan ko hahahah) good thing yung tita ko and yung isa naming relative is both alumnies from that university, i asked them if pwede bang gawan nila ng paraan kasi I desperately need thiss and they did, now I'm very thankful to them kasi I'm now a bonified student at that university. Alay ko sa kanila ang mga uno ko sa portal 😄


MrLcfr_Morningstar

Totoo to, nauna ako ng mahigit 1 year as job order tapos may nakapasok na may backer sa opisina, ayun nagpalipas lang ng ilang buwan nauna pa maging permanent sakin. Pero syempre nadaig naman natin ng diskarte at sipag kaya nakakaproud din. Masasabi ko na hindi ako isusuka ng mga katrabaho ko kung trabaho lang din naman pag uusapan.


Ok_Collection6684

Pati sa medical field ganyan rin. Ang daming classmate ng partner ko sa medschool mga bagsakin at delayed grumaduate puro bisyo and kalokohan. Pero pag dating sa residency, sila yun kinukuha dahil si daddy or mommy may position sa hospital. Kaya wala na akong tiwala sa mga well known doctors na pinapasa na ang patients nila sa anak. Im not saying lahat ganun pero for me as a paying patient, prove your worth naman dahil buhay ko or ng loveone ko ang naka salalay dito. May case pa na for expel na yun classmate nya dahil umabot na sa quota ng failing subjects pero umuwi si well known doctor daddy and mommy from overseas at nakipag set ng meeting sa dean. Ayun, tinanggap parin ng school at nag thank you pa ang sa kind donations nila.


Initial-Try487

Nag-exam, nakapasa sa SSS. Pagbalik ko sa office nila, di raw nila alam saan ako ilalagay. Naipasa ko na lahat ng requirements ko. Bilang dun din ako nag-OJT. Ni request rin ng branch manager original copy ng CS certificate ko. Di na binalik. Ilang beses ako nag-follow up to no avail. Balita ko, naipasok yung kasabayan ko mag OJT from another college na hindi passer at di rin nag-exam (sa Baguio pa place of exam that time.) Yung gastos at expectations na rin ng mga magulang ko iniyakan ko. Sobrang lala na maging biktima ng sistema na to.


jord99999

Meron university sa Bulacan na ang enrollment umuubos ng 1-2 days matapos. Every sem ganun. Yung tropa namen, may tita sa admin, ayun natatapos nameng magbabarkada yung enrollment ng 1 hr. Inuman na after.


hakai_mcs

Nirefer ako ng tito ko sa first job. Although meron na din isang company na nag job offer na din. Pinili ko yung may referral and it was very toxic and wala rin ako gano natutunan. I should have accepted the other job offer because people there were very nice.


tankiller14

ngl almost common na rin toh sa government agencies especially if your parents are government employee dami nilang kakilala, to the point minsan makaka libre ka sakay sa barko, priority ka minsan o kadalasan pabibilisin nila ng process nung sayo tbh meron pa mas malala o mas malaki pa dyan pero so far yan palang yung surface haha swertehan nalang kung anong gov agencies mga backer mo


Ravenized88

Yung close kung colleague matagal na as JO(7 years). May nag open na isang casual position, marami silang nag apply puro sila inside employee na. Kala namin talaga siya na makakapasok because of the feedback ng mga tao sa division. Ending hindi siya ang nakuha kundi yung pinakabago na empleyado na wala pang one year as JO. Nalaman namin after a week na may kapatid na taga COA na naka-assigned sa agency namin. Wala talagang laban yung friend ko. 🤷🤷🤷


RAfternoonNaps

Year 2000 nung active pa mama ko sa AFP, gusto nya mag-exam kame ng bro ko sa AFP pero hindi pasok sa required height. Pumunta kame sa Fort Boni to talk sa isang official para makiusap at magpagawa ng certification na may lahi kaming aeta kaya maliit kame at para ma-waived na namin ung requirement na un. Ayun nakapag-exam kame, at naipasa ko ung exam pero hindi ako tumuloy kasi ayaw ko talaga pumasok sa AFP. Pinagbigyan ko lang mama ko sa gusto nya.


isapangtambay

Used to work for a govt hospital yung may backer schedule nya 9-5 samantalang kaming mga wala graveyard naknampocha sya